-- Advertisements --

Itinutulak ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na palawakin ang papel ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paglikha ng mga trabaho at employment recovery.

Ito ay bilang tugon na rin sa paglikha ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force, sa ilalim ng Executive Order 140 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Salceda, na chairman ng House Committee on Ways and Means, sa NERS eight-point plan, nakasaan na ang magiging pangunahin papel ng TESDA ay maghasa, palakasin, at palawakin ang kakayahan ng 407,804 manggagawa.

Para mabago ang laro sa industrial expansion, at para mahasa ang mga manggagawa sa mga inaasahang bagong investments na papasok sa bansa, sinabi ni Salceda na kailanga maging “very ambitious” ang Pilipinas pagdating sa goals nito.

Sa ngayon, nasa 43.3 million ang employed labor force, ang 1/3 aniya nito ang sa tingin niya na kailangan kailangan i-train at i-upskill.

Pero hindi lamang aniya ang mga Pilipinong may trabaho ang kailanga dumaan dito, kundi magiong ang mga unemployed din para magkaroon ng “meaningful difference” pagdating sa labor market.

Para magawa ito, tatlong comoponents aniya ang kailangan na mangyari.

Una rito ang pagkakaroon ng technical vocational education sa formal schooling, sa highschool at college.

Pangalawa, kailangan na magkaroon ng malawak na skill offerings mula sa TESDA, kabilang na ang higher-order skills tulad ng data analytics, 3D-modeling, at iba pa.

Pangatlo, kailangan ding i-map out ang mga skills na kakailanganin sa iba’t ibang industriya sa hinaharap.

Pebrero ng kasalukuyang taon nang aprubahan ng Committee on Government Reorganization at ng Committee on Higher and Techincal Education ang House Bill No. 4417 ni Salceda.