Ilalabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pinal na numero ng mga consolidated public utility sa susunod na linggo.
Una sinabi ng ahensya na nasa final stage na ang pagbuo nito sa listahan dahil nakapag sumite na ng report o datos ang National Capital Region.
Ayon kay LTFRB member Riza Paches, posibleng mailabas na ang buong datos sa Lunes.
Kung maaalala, natapos na ang itinakdang deadline ng LTFRB sa consolidation ng mga PUV noong December 31,2023.
Para naman sa mga hindi nakapag consolidate, papayagan na lamang silang pumasada hanggang Enero 31 ng kasalukuyang taon.
Pagkatapos ng inilaang palugit ang hindi magpapa consolidate ay awtomatikong aalisan ng prangkisa .
Batay sa datos ng LTFRB, as of Jan. 4, aabot na sa 111,581 ang nagpaconsolidate ng kanilang mga pampasaherong jeep sa bansa.
Katumbas ito ng aabot sa 73.96% ng lahat ng authorized units nationwide.
Sa Metro Manila naman, pumalo na sa 21,655 ang consolidated PUVs katumbas ng 51.34% ng lahat na authorized units. sa buong Pilipinas.