-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Maaapektuhan ang pinakamalaking taunang fiesta sa lungsod dahil sa patuloy na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Rev. Fr. Ricky Legario, Parist Priest ng Sto. Niño de Bula, hindi na ito matutuloy maliban sa fluvial procession.

Tanging ang amphibious ship na magdadala ng imahe ni Sto Niño ang nasa fluvial parade at walang pahihintulutan na may nakasunod na mga bangka at fishing boat.

Naglapabas na rin ng Executive Order si Barangay Chairwoman Nicanora Vargas para pagbawalan ang pagpasok ng mga dayuhan sa mismong fiesta para makikain.

Nakabantay din ang Barangay COVID control force sa mga lansangan para masiguro na walang makakapuslit na taga ibang lugar.

Kung maaalala, tuwing fiesta ng Sto Niño ay uuwi ang lahat ng fishing boat sa lungsod pati sa Sarangani para makilahok sa fluvial parade, Sinulog dance na sinasalihan ng mahigit libong katao, motorcade, isda-isdaan at iba pa.

Nabatid na lahat ng bahay tuwing Enero 15 bawat taon ay may inihahandang pagkain para sa lahat.