-- Advertisements --
image 203

Ibinabala ng United Nations na posibleng mararamdaman ngayong taon hanggang 2027 ang pinkamainit na panahon sa buong mundo.

Ayon sa United Nations World Meteorological Organization, nakikita ang labis na pag-angat ng greenhouse gases habang nagbabanta ang pananalasa ng el Nino.

Sinabi ng UN na mayroong 98% na posibilidad na ang 5-year span mula 2023 hanggang 2027 ay ang pinakamainit na panahon na mararanasan na sa buong mundo.

Maliban dito, nasa 66% ang tyansa na tataas pa ng hanggang dalawang sentigrado ang normal temperature sa nakalipas na mga taon.

Kasabay nito ay hinikayat ng UN ang publiko na magtulungan upang malabanan ang labis na init ng panahon sa pamamagitan ng ibat ibang mga hakbangin na makakatulong sa kapaligiran.