-- Advertisements --
image 124

Naitala kahapon ang pinakamababang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa loob ng magkakasunod na 10 araw.

Ayon sa Department of Health nasa 403 bagong COVID-19 infections ang naitala kahapon kayat umaabot na sa 4,168,009 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng sakit.

Tumaas naman ng 53 ang active cases kayat nasa 6,606 na ang kasaulukuyan pang positibo sa sakit, ito ang 9 na sunod na araw na nasa mahigit 6,000 angactive cases.

Ang rehiyon na may pinakamaraming bagong COVID-19 cases sa nakalipas na isang linggo ay sa Metro Manila na nasa 1,128 cases, sinundan ito ng Central Luzon na may 779 cases, Calabarzon na may 624; Western Visayas may 436; at Ilocos Region na may 397 cases.

Sa cities at provinces naman, ang Quezon City hmang nakapagtala ng pinakamaraming bagong COVID-19 cases sa nakalipas na 14 araw na nasa 287, sinundan ng Cavite province na may 195; Iloilo province na may 191; Bulacan province may 174; at Cagayan province na may 167 cases.

Nadagdagan naman ang bilang ng gumaling ng 350 kayat pumalo na ito sa kabuuang 4,094,919 habang nananatili naman sa 66,484 ang nasawi dahil sa virus sa ika-11 sunod na araw.