-- Advertisements --

Ibinunyag ng South Korean government na nakapagtala sila ng pinakamababang birth rate noong 2023 sa kabila ng paglalaan ng bilyong dolyar para hikayatin ang mga kababaihan na manganak nang sa gayon ay mapanatili ang population stability ng bansa. 

Isa ang South Korea sa mga bansa sa buong mundo na mayroong pinakamahabang life expectancies at pinakamababang birth rates na nagiging dahilan ng demographic challenges nito. 

Sumadsad sa 0.72 ang fertility rate o ang bilang ng inaasahang anak ng babae sa tanang ng kanyang buhay. Ito na raw ang pinakamababang bilang simula 1970. 

Ang datos na ito mula sa Stastics Korea ay sobrang mababa sa kinakailangang 2.1 na fertility rate para mapanatili ang kasalukuyang populasyon ng South Korea na 51 million.

Ilang programa na ang ginagawa ng South Korea para mahikayat ang mga tao na mag-anak tulad ng cash subsidies at babysitting services. 

Hindi naman nalalayo sa sitwasyon ng South Korea ang bansang Japan dahil inanunsiyo rin nito na bumaba ang kanilang birth rate noong 2023.