-- Advertisements --
image 81

Naitala ng Department of Health (DoH) ang 694 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DoH, ito na rin ang ikatlong araw na mas mababa sa 1,000 ang naitalang kaso ng nakamamatay na virus sa bansa.

Dahil naman sa panibagong kaso ng COVID-19, ang nationwide tally na sa ngayon ay 4,011,625.

Ang active case tally ay bumaba sa 16,034 na pinakamamaba mula noong July 13 nang maiulat ang 14,862 active infections.

Ang recovery tally ay nagdagdagan pa ng 1,312 cases kaya ang bilang ng mga gumaling dahil sa sakit ay 3,931,293.

Nadagdagan naman ng pito ang mga namatay kaya ang death toll ay umakyat na sa 64,298.

Naitala naman sa National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na kaso ng virus sa nakaraang dalawang linggo na 2,982 na sinundan ng Calabarzon na mayroong 1,855, Western Visayas mayroon 1,310, Central Luzon mayroong 998 at Davao Region na may 890.