-- Advertisements --

Isusulong ng Department of Trade ang Industry (DTI) ang pagbutihin ang compliance ng mga business establishments sa umiiral na health protocols upang mapalakas ang kumpiyansa ng mga mamimili.

Ito ay matapos na ipinagbawal ulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglabas ng mga batang edad 10 hanggang 14 dahil matapos na makapasok sa Pilipinas ang UK variant ng coronavirus, na ayon sa mga eksperto ay mas nakakahawa kumpara sa orihinal na strain.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, patuloy nilang itinutulak ang mga programang nakasaad sa ilalim ng Bayanihan 2 para masuportahan ang mga negosyo sa bansa at matulungan ang mga ito na sumunod sa health protocols habang pinalalakas ang kumpiyansa ng mga mamimili.

Mas ligtas aniya na sa magkaroon na lamang ng adjustments sa oras na makontrol na ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.

Dahil sa naging desisyon ni Pangulong Duterte, tanging ang mga authorized persons outside residence na edad 15 hanggang 65 ang pinapayagan na makalabas.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kanilang desisyon na payagan nang makalabas ang mga batang edad 10 pataas sa modified general community quarantine (MGCQ) simula Pebrero 1, para makatulong sa pagsindi nang economic activity.