-- Advertisements --

Tatapusin na ng Department of Education (DepEd) ang pilot implementation ng limited face-to-face classes ngayong Disyembre.

Sinabi ito ni Education Secretary Leonor Briones wala pang isang buwan makalipas na sinimulan nila ang pilot implementation ng in-person classes sa ilang bilang paaralan sa bansa.

Ayon kay Briones, kaagad silang magsasagawa ng assessment para malaman kung palalawigin pa ang limited face-to-face classes o hindi na muna sa harap ng COVID-19 pandemic.

Gayunman, aminado si Briones na naging matagumpay ang naturang hakbangin.

Sa ngayon ay wala rin aniyang ulat silang natatanggap na mayroong mga estudyanteng nakikibahagi sa in-person classes sa 160 paaralan ang tinamaan ng COVID-19 infection.