Nakapagrecord ang Pilipinas ng panibagong kaso ng COVID-19 na umaabot sa 1,500.
Ayon sa Department of Health (DOH) lumalabas sa kanilang datos na karamihan daw sa mga kaso sa nakalipas na 14 na araw ay nagmula sa Metro Manila na may kabuuang 13,984 infections.
sinusundan ito ng Calabarzon na may 5,270 cases, Central Luzon 2,820, Davao region na may 1,332, at Western Visayas na may 802 sa huling dalawang linggo.
sa ngayon ang mga active cases nationwide o mga pasyente na nagpapagaling pa ay umaabot naman sa 27,553.
Nasa 62,882 naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
Puspusan pa rin naman ang paghikayat ng gobyerno sa mga kababayan na magpaturok na ng booster shots dahil nasa 19.2 million pa lamang ang nakatanggap nito, samantalang nasa mahigit naman sa 73 million Filipinos ang nakakompleto na ng kanilang two-dose primary vaccination series.