-- Advertisements --

Inihayag ni Presidential Task Force on Media Security Usec Paul Gutierrez, nagawang ipakita ng Pilipinas kay UN Special Rapporteur Irene Khan na masigla ang demokrasya sa bansa, lalo na ang malayang pamamahayag at pagbibigay ng opiniyon.

Ito’y sa harap na nalalapit pagtatapos ng pagbisita ni Khan sa bansa.

Si Gutierrez ang nagsilbing punong abala o taga-pamagitan ni Khan sa mga pinuno ng iba’t ibang government agency na nais nitong kausapin sa bansa.

Sinabi ni Gutierrez, partikular na tinanong ni Khan ang proseso ng pamahalaan sa pag-protekta sa mga mamamahayag, lalo na kung makakatanggap ito ng banta, at kung mayroong nasasawi sa hanay ng media.

Ipinunto nito sa UN Rapporteur na ang Marcos Administration ay nakatutok sa kapakanan ng mga media practitioners.

Katunayan, ang apat na napaulat na napatay na broadcaster sa ilalim ng Marcos Administration ay considered as solved na, lalo’t natukoy na ang mga suspect sa kaso, nasampahan na ng reklamo ang mga ito, habang ang iba ay nakulong na.

Malaki ang naitulong ng pagbisita ni Khan sa bansa para maitama ang mga impormasyon at datos na nakarating sa UN hinggil sa estado ng karapatang pantao sa bansa.

Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na naka usapĀ  ni Khan ay ang DOJ, DILG, NBI, PNP at AFP.