-- Advertisements --
Nagtapos lamang sa bronze medal ang nakuha ng Filipino team Pilipinas Aguilas sa Filbasket International Championship.
Ito ay matapos talunin ang Malacca Basketball Club sa score na 81-72 sa torneo na ginanap sa MABA stadium sa Malaysia.
Nanguna sa panalo si Mac Baracael na nagtala ng 24 points habang ang dating NCAA MVP Prince Eze ay mayroong 12 points.
Nagkampeon sa nasabing torneo ang Malaysian team na Harimau Malaysia ng talunin nila ang Kuala Lumpur Aseel.