-- Advertisements --
obstacle racing 1683426594

Muling nakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas matapos na manalo ang Team Philippines para sa Men and Women obstacle race nitong linggo ng umaga.

Nakakuha ang koponan ng Pilipinas ng tig isang Gold Medal para sa naturang event dahilan upang maitala ng Pilipinas ang ika-8 at ika-9 na gold medal.

Tinapos ng men’s team ang course sa loob lamang na 24.478 na segundo.

Tinalo nila ang Malaysia Quartet na nakakuha lamang ng silver medal.

Ang men’s team ay binubuo nina Ahgie Rada, Elias Tabac, Jose Mari De Castro, at Mervin Guarte.

Samantala, natapos naman ng women’s team ang course sa loob lamang ng 33.733 na segundo dahilan upang matalo nito ang koponan mula sa bansang Indonesia.

Kabilang sa mga manlalaro ng women’s team ay sina Marites Nocyao, Mecca Cortizano ,Milky Tejared at Sandi Abahan.