-- Advertisements --
SYRIA LINDOL

Aabot sa $200,000 ang halaga ng donasyong nakatakdang ipaabot ng Pilipinas para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Syria.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs na isaayos na ang ipapadalang tulong pinansyal ng Pilipinas sa Syrian Arab Republic.

Bukod dito ay magpapadala din ng relief goods at assistance ang ating bansa sa Syria bilang pagsuporta at pakikiisa na rin sa “united global effort” para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.
Pahinggil pa rito ay nakikipag-ugnayan na rin ang DFA sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para naman sa pagpapatupad ng humanitarian commitments ng Pilipinas sa Syria.

Kung maaalala, una rito ay nagpadala na rin ng 85-nman humanitarian contingent ang pamahalaan para naman tumulong sa disaster response at rescue and retrieval effort sa Turkey na isa rin sa mga lubhang tinamaan na malakas na pagyanig na nangyari noong Pebrero 6, 2023.