Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na na hindi makikialam ang Pilipinas sa usapin ng Taiwan at patuloy na kinikilala ang one-China policy.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na itinuturing ng Pilipinas na internal matter ang usapin ng Taiwan.
Gayunman, binigyang-diin ng Pangulo na nais ng Pilipinas na maresolba sa mapayapang paraan ang anumang tensyon o sigalot sa paligid ng Taiwan.
Binigyang diin pa nito na may halos 200,000 Pilipino ring naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan kaya mahalaga para raw sa gobyerno ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Anya, nagpapatuloy rin ang diplomatic engagement ng Pilipinas sa China kabilang ang regular na pagpupulong ng foreign ministers ng dalawang bansa upang mapanatili ang maayos na komunikasyon.
Ayon pa sa Punong Ehekutibo, mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa sa Indo-Pacific region upang maiwasan ang labanan at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.









