Binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na hindi kukunsintihin ng Pilipinas ang unjustified external interference sa pagsisiyasat nito sa mga umano’y krimen na ginawa sa panahon ng anti-illegal drug campaign ng Duterte administration.
Sa kanyang talumpati sa 52nd session United Nations Human Rights Council, iginiit ni Remulla ang soberanya ng bansa.
Aniya, ang Pilipinas ay may ganap na gumaganang sistema ng hustisya sa ilalim ng complementarity test.
Dagdag dito, ang International Criminal Court ani Remulla samakatuwid, ay walang hurisdiksyon sa mga mamamayang Pilipino.
Inulit niya ang pagtanggi ng administrasyong Marcos sa awtorisadong pagpapatuloy ng International Criminal Court upang ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa mga paglabag sa karapatang pantao na iniulat na ginawa noong anti-drug war ng administrasyong Duterte.
Una nang iminungkahi ni Remulla sa international body na higit na tumutok sa pagpapagana ng mga estado na tuparin ang kanilang mga obligasyon sa kanilang puwesto.