Pumirma ng isang kasunduan ang Pilipinas at United Arab Emirates (UAE) para sa pag-doble ng mga cargo at passenger air services sa pagitan ng dalawang bansa.
Nagkasundo kasi ang dalawang bansa na dagdagan pa ang bilang ng mga flights mula sa naturang Arab country patungo dito sa Pilipinas mula sa kasalukuyang 18 at gagawin na itong 21.
Maliban dito, nagkasundo rin ang dalawang bansa na itaas ang air cargo service mula sa kasalukuyang 200 hanggang 600 tonelada kada linggo.
Kasabay nito, umaasa ang Civil Aeronautics Board ng bansa na mapapanatili ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero ngayong taon at sa hinaharap, mula sa dati nitong pagbaba noong pandemiya.
Ayon kay Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla, ang United Arab Emirates ay isa sa mga top destinations ng mga migrant workers ng bansa na isa sa pinakamalaking sumusupurta sa labor market nito.
Batay sa datus ng Civil Aeronautics Board, naitala ng Pilipinas ang pagtaas sa bilang ng mga pasaherong bumiyahe gamit ang mga paliparan, sa unang kalahating bahagi ng taon.
Naabot nito ang pagtaas ng hanggang 50% para sa domestic habang 142% para sa international.