-- Advertisements --
Screenshot 2020 04 14 17 52 12 26

Kinumpirma ni PNP Quarantine facilities head Col. Glenn Torres na ngayong linggo ay maari nang gamitin ang Philippine International Convention Center (PICC) hall na ginawang isolation facilities ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga magpo-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kasalukuyan kasi ay isinailalim pa sa disinfection ang pasilidad na pagdadalhan ng Department of Health (DoH) sa mga COVID-19 patient.

Sinabi ni Torres na may mga gagawin pang karadagan ang DPWH sa loob ng facilities na mayroong 294 na kama na gagamitin ng mga COVID-19 patients para tuluyan nang gumaling ang mga biktima ng naturang sakit.

Tumanggi namang magpahayag ang kinatawan ng DoH sa ginawang occular inspection sa bagong isolation facilities dahil hurisdiksiyon umano ito ng PNP na siyang nangangasiwa sa pasilidad.

Hihintayin na lamang umano ng DoH ang go signal ng PNP kung kailan puwedeng gamitin sa mga pasyente ang bagong facilities.

Ang bagong isolation facilities na itinayo ng DPWH ay may anim na malalaking nurs station may centralized air-conditioning unit at maaring i-accomodate ang 294 COVID-19 patients.