-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pag-uwi niya sa bansa kasama ang nobyong si Jeremy Jauncey.

Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ito ng larawan kasama ang noby habang lulan ng Eithad flight patungong Manila.

May caption ito ng pag-welcome nito sa nobyo sa ikalawang tahanan niya at pinaghahanda niya ito sa pagkain ng balut.

Napili kasing maging host si Pia ng coronation night ng Miss Universe Philippines kasama ang dating mga Miss Universe na sina Iris Mittenare at Demi-Leigh Tebow na gaganapin sa Abril 30.