ILOILO CITY – Agaw atensyon ang hakbang ng mga pulis sa Iloilo City Police Office upang mapanatili ang physical distancing sa mga dating place ng magkansintahan sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Capt. Shella Mae Sangrines, hepe ng Police Station 1, sinabi nito na dahil sa patuloy na paglobo ng coronavirus cases, naisipan nilang pumunta sa mga lugar kung saan madalas na nagkukumpulan ang mga tao at mga magkansintahan.
Ayon kay Sangrines, gumamit sila ng tape measure o medida at sinukat ang isang metrong distansya sa bawat indibidwal lalo na ang mga magkasintahan na madalas mag-holding hands.
Binigyang-diin nito na seryoso sila sa pagpapatupad ng minimum health standards at nagbabala na bibigyan ng citation tickets ang mga pasaway na residente ng lungsod.