Itutuloy ng Kamara ang resumption ng kanilang plenary session bukas, Mayo 4, sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Pero base sa guidelines na inilabas ng Office of the House Secretary General, 25 kongresista lamang ang papayagang maging physically present sa plenary session habang ang ibang kongresista ay makikibahagi na lamang sa pamamagitan ng videoconferencing.
“As the House of Representatives fully performs its Constitutional mandates amid COVID-19 risks, it adopts the following operational guidelines that are designed to balance the continuing performance of the institution’s functions and the provision of necessary protection for its Members, employees, and the general public,” bahagi ng guidelines na inilabas sa gitna ng banta pa rin ng COVID-19.
Striktong ipapatupad ang physical distancing sa mga personal na dadalo sa plenary session, kung saan lilimitahan ang physical interaction sa pagitan ng mga kongresista, empleyado at guests.
SA oras na mag-resume na ang plenary session bukas ng alas-3:00 ng hapon, 25 lamang sa 302 na mga kongresista at hindi hihigil sa 25 House Secretaries employees, media personnel, at guests ang papayagan sa loob ng session hall.
Sina House Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Benny Abante Jr. ang siyang pipili kung sinong mga kapwa kongresista lang ang papayagang maging physically present sa session.
Gagamitin naman ang naging patakaraan sa attendance, debate, botohan at iba pa noong Marso 23 kung kailan inaprubahan ng Kamara ang Bayanihan to Heal as One Act.
Samantala, ang mga committee hearings, technical working group meetings, administrative meetings, political caucuses, at press conferences ay isasagawa rin sa pamamagitan ng video conferencing.