-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa P1.3 million ang nakolektang penalty ng Vice Regulation Unit mula sa liquor ban sa lungsod ng Davao.

Simula Enero hanggang Mayo ngayong taon, umabot sa 711 violators ang nahuli, 48 establishments ang naisyuhan ng citation ticket dahil sa paglabag nito.

Samantala, sinabi ni retired Col. Hernando Las, vice regulation unit head, mas paiigtingin pa ang ordinansang liquor ban dahil sa nangyaring shooting incident sa Tavera, Davao City, alinsunod din ito sa marching order ni Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte.