-- Advertisements --
Pinahiya ng Phoenix FuelMasters ang Meralco Bolts 100-93 sa nagpapatuloy na PBA Tour exhibition games sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Bumida sa panalo ng Phoenix si Raul Soyud na nagtala ng 25 points habang mayroon 15 points si RR Garcia at 13 point ang naitala ni Larry Muyang.
Umabot pa sa 14 ang kalamangan ng Phoenix hanggang naitabla ito ng Bolts sa 88-all sa kalagitnaan ng last quarter.
Hind nagpatinag sina Garcia at Soyud hanggang dinala ng tuluyan sa panalo ang FuelMasters.