-- Advertisements --

Pinahiya ng Phoenix Super LPG ang Barangay Ginebra 101-93 sa nagpapatuloy na PBA Commsioner’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si Jayvee Mocon na mayroong 20 points at limang rebounds habang mayroong 17 points si Tyler Tio.

Mayroong 15 points at 17 rebounds naman si Kaleb Wesson para maitala ang ikalawang panalo ng Phoenix sa limang laro.

Hawak pa ng Ginebra ang kalamangan sa pagtatapos ng third quarter 74-77 hanggang tuluyang mahabol ito ng Phoenix.