Bigong maipanalo ng Golden State Warriors ang kanilang season opener, matapos silang patumbahin ng Phoenix Suns, 108-104.
Naging mahigpit ang tunggalian ng dalawang koponan kung saan kapwa nagpasok ng 28 points ang dalawa sa unang kwarter.
Pagpasok ng 2nd quarter, nagbuhos ng 33 points ang Suns habang 18 points lamang ang naging ganti ng Warriors.
Agad namang gumanti ang Warriors sa Ikatlong kwarter at nagpaulan ng 40 big points habang nalimitahan lamang sa 19 points ang Suns.
Gayonpaman, hindi na ito nagawa ng Warriors sa huling kwarter matapos silang limitahan ng Suns ng hanggang sa 18 points lamang, kasabay ng pagpapasok ng hanggang 28 big points.
Naging susi sa panalo ng Suns ang All Star na si Devin Booker sa kanyang 32 points, 8 assists. Nag-ambag naman ng 18 points 10 rebounds double-double si 2-time NBA Champion at dating Warriors Center, Kevin Durant.
Sa panig ng Warriors, nalimitahan lamang si Stephen Curry ng hanggang 24 points 6 rebounds, habang 15 points 8 rebounds ang idinagdag ng kanyang Splash buddy, Klay Thompson.
Naging maganda rin ang ipinakitang performance ni Chris Paul sa kanyang debut. Kumamada ito ng 17 points, 9 assists.
Sunod na makakalaban ng Warriors ang Sacramento Kings sa Oktobre-28 habang nakatakda namang harapin ng Suns ang Los Angeles Lakers sa Oktobre-27.