-- Advertisements --
Nalalapit nang tapusin ng mas maaga ng Phoenix Sun ang kanilang regular season at tanghalin bilang best record sa NBA.
Sa ngayon hindi pa rin matibag ang pagkakahawak ng Phoenix sa top spot sa Western Conference makaraang makatipon na ng 57 wins para sa best franchise record.
Ito ay makaraang ilampaso sa laro ang isa rin sa top team sa Eastern Conference na Chicago Bulls sa iskor na 129-102.
Hindi pa rin nagpaawat si Devin Booker nang kumamada ng 28 points para lumayo pa ang Suns sa kanilang record sa pumapangalawa na Memphis Grizzlies, habang may 11 games na lamang ang nalalabi.
Sa kampo ng Chicago nasayang ang ginawang diskarte ni DeMar DeRozan na may 19 points.