-- Advertisements --
Aabot sa P81,074,000 cash assistance ang naibigay ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektadong pamilya sa 45 munisipalidad at 27,791 barangay sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ng PRC na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na nationwide lockdown.
Ayon sa PRC, aabot sa 23,164 pamilya mula sa Metro Manila, Olongapo, Bulacan, Rizal, Western Samar, Leyte, at Cebu ang nabigyan nila ng tig-P3,500.
Katuwang ng PRC sa cash distribution na ito ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), American Red Cross, at Netherlands Red Cross.