Naipanalo ng koponan ng Pilipinas ang unang laban nito sa men’s division ng 2019 South East Asian (SEA) Games volleyball tournament sa PhilSports Arena, Pasig City.

Ang final score: 29-27, 25-17 at 25-17.

Top scorer ng Team Philippines ang former-5 time UAAP (University Athletics Association of the Philippines) Most Valuable Player na si Marck Espejo na nagpasok ng 21 points.

Sinundan ito ni Bryan Bagunas na may 14 points at Joshua Retamar na tumira ng 11 points.

Halos mapuno ng Fiilipino fans ang newly renovated na PhilSports Arena.

Sa Miyerkules, muling sasalang ang men’s team para harapin ang team Vietnam.

Bukas naman unang sasabak ang women’s team na haharap laban din sa koponan mula Vietnam.