Naniniwala si Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na tulad ng termination ng RP-US military bases agreement ay makaka-survive din ang Pilipinas sa termination ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Pero ayon kay Guevarra, puwede namang idulog ng mga senador ang VFA termination sa Supreme Court (SC) pero mayroon din umanong mga kondisyon.
Una, hindi raw nakasaad sa saligang batas ang pangangailangan ng concurrence ng senado pagdating sa termination ng mga treaties.
At kahit maikokonsidera raw ang treaty na bahagi ng batas ay hindi naman ito kasali sa ordinary statutes na dumaan sa buong legislative process.
Ang pagbawi rin umano sa VFA ay hindi katulad ng pag-repeal sa mga ordinaryong statute.
Maalalang taong 1991 ay 12 senador ng bansa ang bumoto ng “no” para hindi na bigyan ng 10 taon na extension ang Subic Naval Base sa bansa maging ang kanilang US military installations sa Clark Air Base sa Pampanga na kilala ring Fort Stotsenberg at Camp John Hay sa Baguio City.
Ang Military Bases Agreement ay pinirmahan noon 1947 para payagan ang pag-establish at pag-operate ng air at naval bases sa loob ng 99 years.
Pero naamiyendahan ito noong 1966 at ginawang 25 years na lamang.
Ang VFA naman ay binuo sa administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos at niratipikahan ng Senate sa Presidency ni Joseph Erap Estrada at naging operational sa noong panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo para to labanan ang mga Abu Sayaf Terror sa kanilang isinasagawang Kidnapping for Ransom.