-- Advertisements --
stena 1

Ligtas umano ang Pinoy seafarer na lulan ng British oil tanker na hawak ngayon ng bansang Iran.

Ang British oil tanker na MT Stena Impero ay nahabol ng Iranian authorities habang nasa Strait of Hormuz matapos takasan ang nadisgrasyang Iranian fishing boat at hindi man lang nagsagawa ng distress call.

Una rito, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa 23-member crew ng British oil tanker MT Stena Impero ang isang Pinoy.

Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng pamahalan sa Iranian authorities para siguruhin ang kaligtasan at agad na pagpapalaya sa Filipino sailor.

Sa ngayon, ipinaabot na raw ng DFA ang sinapit ng seafarer sa kanyang pamliya at patuloy ang pamamahagi nila ng tulong dito.