Phl envoy suportado ang Moderna vax na ipamahagi sa Pilipinas
Suportado ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang pagiging ligtas at epektibo ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng American pharmaceutical firm na Moderna.
Ito’y matapos na personal na maturukan ng naturang bakuna ang Philippine envoy.
Pagbabahagi ni Romualdez na wala siyang nararamdamang kakaiba matapos mabakunahan at para lamang itong isang ordinaryong flu shot.
Aniya mas makakabuti na malaman ng publiko na Moderna vaccine ang kaniyang bakuna na sinusubukang dalhin sa Pilipinas.
Natanggap ni Romualdez ang kaniyang unang shot ng COVID-19 vaccine sa Washington DC hospital kasabay nang pagsisimula nito ng vaccination program sa estado.
Isa si Romualdez sa matitiyagang opisyal na gumagawa ng paraan upang makakuha ng supply ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas mula sa mga manufacturers ng Amerika.