-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan sa ngayon ng Philippine Embassy sa Canberra ang kondisyon ng mga Pilipino sa Australia sa gitna ng nagpapatuloy na bushfires doon,

Nitong araw, sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Elmer Cato sa isang panayam, na magmula noong Enero 1, wala pa silang update kung mayroong mga Pilipinong apektado ng naturang pangyayari.

Sa kanilang advisory noong Enero 1, sinabi ng Philippine Embassy sa Canberra na mahigpit nilang binabantayan ang nangyayaring bushfires sa bahagi ng New South Wales, Victoria, at South Australia.

Inabisuhan din nila ang mga Pilipino doon na sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad at mag-ingat sa gitna ng naturang pangyayari.

Nabatid na mahigit 150 ares pa rin ang nasusunog sa New South Wales.