Screenshot 2019 12 01 14 51 30 42

Nasungkit ng Philippine arnis team ang unang gold sa nagpapatuloy na South East Asian (SEA) Games na ginahanap sa Angeles University Foundation (AUF) sa Pampanga.

Pinataob ng pambato ng Pilipinas sa below 55 kg category na si Dextler Bolambao ang taga-Cambodia na si Soc Paing.

Sa loob ng tatlong round nanaig si Paing na suportado ng kanyang teammates.

Pagkatapos ng panalo, agad itong binati ng mga opisyal ng SEA Games maging ni Sen. Migs Zubiri na siya ring presidente ng Philippine Eskrima, Kali, Arnis Federation.

Samantala, pasok naman lahat sa championship round ang apat ns Pinoy na lumaban semifinals ng arnis kanina lamang.