Namonitor ng PhiVolcs ang ‘short-lived lava bursts’ sa mayon Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Gayonpaman, hindi naman nakikita ng Phivolcs ang pangangailangan na ideklara ang mas mataas na alerto mula sa kasalukuyang Alert Level 3.
Ayon sa Phivolcs, namonitor nila ang 31 volcanic earthquakes na kinabibilangan ng 23 tremor, isang pyroclastic density current, at 87 rockfall events.
Sa kasalukuyan, naitatala na ng Phivolcs ang 592 tons per day na Volcanic sulfure dioxide or SO2 emission habang ang mga plumes na nagmumula sa naturang bulkan ay umaabot na ng hanggang sa 1,000 meter ang taas.
Inaasahan pa rin, ayon sa ahensiya, ang mahaba-habang ‘hazardours eruption’ na posibleng magtagal ng ilang araw o ilang linggo, dahil sa patuloy na pag-alburuto ng naturang bulkan.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na iwasan pa rin ang 6-kilometer permanent danger zone dahil sa panganib na dulot ng mga kemikal at iba pang ibinubuga ng naturang bulkan.