Nagsagawa ng survey at fieldworks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa main crater ng Taal Volcano na matatagpuan sa Batangas.
Sa naturang aktibidad, nagpadala ang Department of Science and Technology (DOST) ng scientists na kinabibilangan ng licensed drone pilots, geochemists at engineers.
Layunin nitong masuri ang aktibidad ng bulkan, makuha ang temperatura ng Taal Lake at makakolekta ng ilang samples, tulad ng tubig mula sa crater.
Ginamitan nila ito ng quadcopter drone na may kakayahang magdala ng nakolektang samples mula sa bunganga ng bulkan.
Ang mga kalahok sa survey na kumuha ng iba pang data ay nagsuot naman ng personal protective equipment, para maiwasan ang pinsala kung sakaling may maitalang volcanic hazards sa lugar na kanilang sinusuri.