Nagbabala ang pamunuan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) sa mga residente ng Northern Luzon sa posibilidad ng magkakasunod na aftershocks.
Ayon kay Phivolcs officer-in-charge Dr. Teresito C. Bacolcol, bagaman hindi inaasahang ganun din kalakas ang mga susunod na pagyanig, maaari aniya ang maraming aftershocks sa kalapit na lugar.
Unang naitala kagabi ang naturang lindol sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan, 7:03PM.
Sa lakas ng lindol, naramdaman pa ito hanggang sa ilocos Norte, sa Region1.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng naturang ahensiya.
Samantala, iniulat na ng Philvolcs ang mahigit 80 na aftershocks na naitala kasunod ng naturang lindol.
Sa datus ng naturang ahensiya, 78 dito ang recorded habang 13 ang plottes o natukoy ng tatlo o higit pang mga stasyon.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas mula magnitude 1.8 hanggang 3.7.