Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nagpapakita ng mas mataas na tiyansa ng phreatic eruption ang volcanic activity ng Mount Kanlaon sa Negros.
Base kasi sa latest monitoring, naobserbahan ng Phivolcs ang nasa tatlong volcanic earthquakes kung saan inflated ang edifice ng bulkan.
Noong lunes, nagbuga ang Mount Kanlaon ng mahigit 1000 tonelada ng sulfur dioxide.
Inihayag pa ni Phivolcs Chief Science Research Specialist Maria Antonia Bornas na sa nakalipas na taon, mas maraming nasasawi dahil sa phreatic eruptuion kesa sa magmatic eruption.
Inalala pa ng Phivolcs official ang naganap na phreatic eruption ng Kanlaon noong 1996 kung saan nasa tatlong katao ang namatay matapos tamaan ng volcanic debris.
Mayroon din aniyang kasaysayan ang Kanlaon ng debris avalanche dahilan kaya mapanganib ang posibleng pagsabog ng bulkan.
Sa kabila nito, pinayuhan ng Phivolcs official ang publiko na huwag magtungo sa 4 kilometer radius permanent danger zone ng Kanlaon gayundin ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkang Kanlaon.