-- Advertisements --
Navy operations sea soldiers AFP

Pinaigting pa ng Philippine Navy ang kanilang ‘tempo of patrols’ o pagpapatrolya sa West Philippine Sea dahil sa patuloy na presensiya ng mga barko ng mga banyaga sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Philippine Navy chief Toribio Adaci patuloy ang paggampan ng mandato ng kanilang mga personnel sa pinagtatalunang karagatan sa kabila pa ng presensiya ng mga barko ng ibang bansa.

Ang Philippine Navy ay bahagi nga ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).

Kung matatandaan noong Abril 23, hinarang umano ng China Coast Guard ang daanan ng BRP Malapascua sa katubigan ng Ayungin Shoal.

Iniulat ng PCG na nasa 50 yarda ang layo ng foreign vessel mula sa deadly point ng collission sa maliit na barko ng Pilipinas.

Maliban dito, ayon sa PCG nasa 18 Chinese maritime militia (CMM) vessels ang namataan malapit sa Sabina Shoal. Nagawa namang maitaboy ng Coast Guard ang 5 Chinese militia na umano’y nangingisda mula sa ating territorial sea sa may Pag-asa island.

Naobserbahan din ang nasa 100 pang Chinese militia malapit sa Julian Felipe Reef.