-- Advertisements --
image 207

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Cairo ang Filipino community sa Sudan na maging mapagbantay, manatili sa loob ng bahay, at iwasang pumunta sa mga pampublikong lugar.

Ito’y sa gitna ng nagaganap na matinding labanan sa pagitan ng army at paramilitar sa nasabing lugar.

Sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga yunit ng hukbong tapat kay Heneral Abdel Fattah al-Burhan at ng paramilitar na Rapid Support Forces (RSF).

Sa records mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagpapakita na mayroong kabuuang 258 na mga Pilipino ang nananatili sa Sudan.

Sinabi ng Embahada na tutulong ito sa mga overseas Filipinos sa Sudan na maaaring maapektuhan sa mga emergency situation na maaaring maidulot ng labanan.

Ang mga sagupaan sa pagitan ng armadong pwersa ng Sudan at karibal na pangunahing paramilitar na grupo ay nagresulta sa pagkamatay ng halos 100 na sibilyan, kabilang ang tatlong manggagawa ng United Nations (UN).