Ibinunyag ng Philippine Coast Guard (PCG) na inilipat nito ang operasyon mula sa rescue at ginawang retrieval operation sa apat na nawawalang pasahero ng lumubog na dive yacht na M/Y Dream Keeper.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na tinapos ng Coast Guard District Palawan ang kanilang isang linggong rescue operations at bumaling sa paghahanap at retrieval operations para sa nawawalang may-ari ng yate, dalawang guest, at isang dive master.
Nagkabisa ang direktiba noong Mayo 7, 2023 o kahapon, araw ng linggo.
Ang paglipat sa retrieval operations ay nagpahiwatig ng pag-asa sa PCG na matagpuan nang buhay ang mga nawawalang mga pasahero ng yate.
Lumubog ang M/Y Dream Keeper sa Tubbataha Reef sa Cagayancillo, Palawan noong Abril 30 habang lulan ang 32 pasahero at tripulante na mag-ddive sana sa sikat na tourist attraction.
Dalawampu’t walo sa mga pasahero, kabilang ang apat na Chinese, ang nailigtas habang apat na iba pa ang nawawala.