-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang iregularidad sa naging resulta ng grand lotto draw noong nakalipas na sabado kung saan nasa 433 betors ang nanalo sa jackpot prize na P236 million.

Ayon kay Melquiades Robles, general manager ng PCSO, bukas din ang PCSO sa anumang plano ng mga mambabatas na isagawang imbestigasyon dahil kumpiyansa din ito sa integridad sa kanilang lottery draws

Tiwala ang ahensiya na ang katotohanan ang lalabas at makkikita ng publiko na walang naging pagkakamali sa proseso ng lotto draw.

Paliwanag pa ng PCSO official na ang kanilang proseso ay ginawa ng walang human interventions.

Hinimok din ni robles ang mga hindi kumbinsido sa naging resulto ng lotto draw na maglaro ng lottery para maunawaan kung paano mag-isip ang mga tumataya.

Sa katunayan may mga tumataya ng mga numerong 1,2,3,4,5,6 na normal naman dahil ito nga ay isang ‘game of chance’ kaya wala talagang hard at fast rules dito.

Una rito, nagpahayag si Senator Koko Pimentel ng intensiyon na magsagawa ng audit at imbestigasyon sa gaming activities ng PCSO kabilang ang paborito ng mga Pilipino na lotto games para matiyak ang kanilang integridad at maprotektahan din ang milyong mga Filipino bettors.

Nagpahiwatig din ng suporta dito si Senator Risa Hontiveros.

Sa parte naman ng Kamara, naghain si Minority Leader and 4Ps Partylist Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan ng isang House Resolution No. 463 na naglalayong magsagawa ng inquiry sa October 1 lotto draw.