-- Advertisements --

Pormal ng inilunsad ng pamahalaan ang Philippine Business Hub (PBH), isang single online platform para sa pagrehistro ng mga negosyo.

Ang reluanched ay isinagawa nitong araw sa Quezon City Hall sa pangunguna ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), at Securities Exchange Commission (SEC).

Ayon kay ARTA Officer-in-Charge Ernesto Perez layon ng hakbang ng gobyerno na maging smooth at hassle free ang pagpapatayo ng negosyo ng ating mga kababayan at mabigyan ng pagkakataon sa oportunidad.

Ang PBH, na dating pangalan ay Central Business Portal (CBP), ay naglalayong maibsan ang haba ng araw sa pagpaprehistro ng mga bagong negosyo.

Mula sa dating 33 days at nasa 13 steps, sa ngayon ay magiging pitong araw na lamang at isang step lamang na pagproseso.

Ang portal ay accessible sa pamamagitan ng wesbite address na business.gov.ph.