Inilampaso kanina ng Team Pilipinas ang Poland sa ginanap na quarterfinal game para umusad na sa semifinals sa ginaganap na 2022 Predator World Teams 10-ball Championship sa Klagenfurt, Austria.
Ang team ng Pilipinas ay binubuo nina Rubilen Amit, Carlo Biado at Johann Chua.
Sa pag-abanse nina Amit, Biado at Chua makakarap nila bukas ang Germany kung saan bukas na rin gaganapin ang championship.
Una rito naging daan sa panalo ng Pilipinas nang mag-team up sa panalo sina Amit at Chua upang talunin ang karibal na Polish team at iganti ang pagkatalo ng veteran cue master na si Biado.
si Amit naman ay dating gold medalist na rin sa women’s world ten championship at sa Sea Games.
Habang ang 30-anyos na si Chua mula Bacolod ay dati ring gold medalist sa SEA Games. (with report from Bombo JC Galvez)