Nanunmpa na ngayong araw bilang bagong administrator ng Office of the Civil Defense (OCD) si Philippine Army veteran Raymundo Ferrer.
Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson Jose Faustino Jr. ang panunumpa ni Ferrer sa gusali ng DND sa Camp Aguinaldo sa Quezon city.
Bilang OCD adminsitrator, ipagpapatuloy ni Ferrer ang pagganap sa lahat ng tungkulin nito bilang Executive Director ng NDRRMC.
Bago ito, nagsilbi si Ferrer sa Army kung saan matagal itong nadestino sa Mindanao. Pinakahuling naitalaga si Ferrer bago ang kaniyang pagreretiro noong 2012 ay pinamunuan nito ang Zamboanga-based na Western Mindanao Command (WESTMINCOM).
Hinawakan din ni ferrer ang ilang senior command positions bilang commander ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) na nakabase sa Davao City mula January 2009 hanggang November 2011, commander ng 6th Infantry Division sa Central Mindanao mula March 2007 hanggang January 2009; commander ng 1st Infantry Division sa Zamboanga Peninsula mula September 2006 hanggangMarch 2007; at commander ng 103rd Infantry Brigade sa Basilan mula January 2004 hanggang September 2006.