Ikinagalak ng pamunuan ng Philippine Army ang naging “pledge” ng Japan Ground Self-Defense Force na magbigay ng UH-1J utility helicopters sa pamamagitan ng government grant.
Ang nasabing pledge ay malaking bagay para mapalakas pa ng Philippine Army ang kanilang air capabilities.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad sa panayam ng Bombo Radyo inanunsiyo ito sa naganap na side bilateral meeting sa pagitan ng dalawang armies sa isinagawang first-ever Japan-Philippine-U.S. Trilateral Key Leaders’ Engagement sa Camp Asaka, Tokyo, Japan nuong December 11, 2022.
Sinabi ni Trinidad, nakatakda pang magsagawa ng pormal na pag-uusap ang Philippine Army at ang Japan Ground Self-Defense Force hinggil sa gagawing pag transfer ng nasabing aircraft na posibleng aabutin ng dalawa hanggang tatlong taon.
Sa ngayon hindi pa masabi ni Trinidad kung ilang utility helicopters ang ibibigay ng Japan Ground Self Defense Force.
Binigyang-diin ni Col. Trinidad na ang nasabing utility helicopters ay lalong magpalakas sa capabilities ng Army Aviation “Hiraya” Regiment lalo na sa gagawing humanitarian assistance and disaster response (HADR), medical evacuation, pag transport ng mga personnel at supplies at damage assessment flights sa panahon ng national emegencies and calamities.
Ipinunto ni Trinidad na ang dahilan sa pag pledge ng Japan Ground Self Defense Force ng helicopter sa Philippine Army ay dahil nakikita nila ang effort ng Army na nais palakasin ang airlift capability lalo na ang aeromedical services.
Ang nasabing UH-1J ay isang belle type helicopter na variation mula sa UH IH ng US na mula sa Japan.
Paglilinaw naman ni Trinidad na ang mga aircraft na meron ang Philippine Army ay hindi gagamitin for combat missions.
Samantala, lalo pang pinalakas ng Philippine Army ang kanilang partnership sa kanilang mga foreign counterparts lalo na sa pagsasagawa ng joint military trainings.
Sunud-sunod ang mga bilateral activities ng Philippine Army sa kanilang mga counterpart sa sa buong Asya.
Sinabi ni Trinidad,sa mga bilateral trainings kasama ang kanilang mga Asian counterparts marami silang natututunan at may natututunan din ang mga banyagang sundalo sa kanila lalo na sa jungle warfare kung saan kilala ang mga sundalong army na magaling.