-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng ilang opisyal ng Philihealth ang pagtaas ng kanilang mga sahod.
Sinabi ni Dr. Israel Francis A. Pargas,, PhilHealth Corporate Spokesperson sa pagdinig ng 2024 budget ng Department of Health (DOH) na nakabatay ang kanilang pagtaas ng sahod sa Executive Order 150.
Ang nasabing EO 150 ay inilabas ng Malacanang noon ang 2021 na pagpapatupad ng standadization sa suweldo ng mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC).
Naungkat ang nasabing usapin ng kuwestiyunin ng ilang mambabatas ang paghingi ng PhilHealth ng P100-Bilyon na subsidiya para sa medical service kung saan tumaas naman ang kanilang mga sahod.