Binigyang-diin ni Sen. Bong Go na siya ring chairman ng Senate Committee on Health and Demography Christopher na prayoridad ang pagreporma sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at dapat bigyan ng pagkakataon si PhilHealth president Dante Gierran na linisin ang health insurer bago ikonsidera ang pagbuwag o pagsasapribado rito.
Sinabi ni Sen. Go, kapag isinapribado, magiging negosyo na ang PhilHealth at profit-oriented na.
“Alam niyo itong sa PhilHealth issue, para sa akin po kapag isinapribado po ito, magiging negosyo na po ang PhilHealth. Magiging profit-oriented na po [and] the business of government is not profit. [It is] service,” ani Sen. Go.
Ayon kay Sen. Go, pabor siya kay Gierran na huwag munang isapribado o buwagin ang PhilHealth at hayaan ang bagong pamunuan nito na magtrabaho at magsagawa ng mga reporma.
”I agree with Gierran na huwag muna at sabi naman ni Pangulong Duterte, bibigyan muna ng pagkakataon ang bagong pamunuan ng PhilHealth to prove their worth and work to clean PhilHealth.”
Inihayag ni Se. Go na suportahan si Gierran sa kanyang mga hakbang para imbestigahan at panagutin ang mga sangkot sa korupsyon.