-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine Embassy in Wellington ang kahandaan nilang magbigay ng tulong sa pamilya ng Filipino na nasawi sa aksidente sa New Zealand.
Ayon sa Philippine embassy na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad.
Binisita na rin nila ang mga kaanak ng mga survivors.
Magugunitang limang Filipino at dalawa ang nasawi ng banggain ng kanilang van na sinasakyan ng isang truck.
Hindi na binanggit ng embahada ang pagkakakilanlan ng mga biktima dahil na rin sa hiling ng pamilya ng mga biktima.