-- Advertisements --

army1

Nakikiisa ang pamunuan ng Philippine Army (PA) sa paggunita sa kabayanihan at kagitingan ng mga sundalo at tagapagpatupad ng batas na nagbigay ng sukdulang sakripisyo para sa pagpapalaya sa Marawi City.

Halos kalahating dekada na ang nakalipas ng sakupin ng Maute-ISIS inspired terrorist group ang siyudad.

Bilang pag-alala, ibat ibang mga serye ng mga kaganapan ang isinagawa sa Headquarters Philippine Army sa Fort Bonifacio simula Oktubre 15 hanggang 17, 2022.

Highlight ng nasabing event ang mga eksibit at dokumentaryo na inihanda ng Philippine Army at ito ay bubuksan sa publiko.

Ang Philippine Army Major Units ang gumanap ng mahahalagang papel para mapalaya ang Marawi mula sa kamay ng teroristang grupo.

Hindi nagpatinag ang mga sundalong Army binuhos nila ang kanilang pwersa at ipinakita ang kanilang dedikasyon upang talunin ang mga terorista.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang Civil-Military Operations Regiment, Lanao del Norte-based 55th Engineer Brigade, Army Artillery Regiment, Armor Division, Light Reaction Regiment, ang Special Forces Regiment (Airborne), at ang First Scout Ranger Regiment ay nagtayo ng mga booth sa Hunters ROTC Parade Grounds na nagbibigay-diin sa kanilang mahalagang papel sa pagpapalaya ng Marawi City.

Ang limang buwang operasyon sa Marawi ay ipapakita rin bilang isa sa pinakamalaking pamana ng Army sa PA Museum.

Ang Marawi memorabilia, mga narekober na gamit at kagamitan ay ipapakita rin sa Philippine Army Officers’ Pavilion habang ang Marawi documentaries ay ipapalabas sa Philippine Army Officers’ Clubhouse.

Magsasagawa rin ang command ng wreath-laying ceremony sa Marawi Pylon, Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio sa Lunes, Oktubre 17, 2022.

Isang fellowship dinner na magtitipon ng mga opisyal at kalalakihan na tumulong sa pagpapalaya sa Marawi ay magtatapos sa serye ng mga kaganapan sa sa gabi ng Oktubre 25, 2022.

” The series of events will immortalize the sacrifices of soldiers and law enforcers in the liberation of Marawi City, and at same time highlight the city’s journey for peace, development, and rehabilitation, Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr.,” pahayag ni Lt.Gen. Brawner.