-- Advertisements --
Pinayagan nang makalaya ng Senado ang presidente ng Pharmally na si Twinkle Dargani.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ginawa nila ang hakbang bilang humanitarian consideration.
Matatandaang una nang sinabi ng kampo ni Twinkle na dumaranas ito ng problemang pangkalusugan.
Itinurn-over naman ito sa kaniyang ina na nangakong ihaharap ang anak kapag kinakailangan itong sumagot sa tanong ng mga senador.
Sinabi pa ni Sotto na may pag-sang-ayon ang iba pang senador sa pagpapalaya, lalo’t noon pang nakaraang taon nakakulong ang company president.
Ang kapatid nitong si Mohit ay nakapiit naman sa Pasay City Jail, kasama ang direktor ng Pharmally na si Linconn Ong.